DAKILANG KAPISTAHAN ni SAN AGUSTIN (Agusto 28)
____________
Isa sa napakahalagang pangaral ni San Agustin ay patungkol sa pag-ibig bilang tunay na daan patungo sa kabanalan at ito ang pagtutu-unan ng aking maikling pag ninilay-nilay.
__________
Sa isa sa mga kasulatan ni San Agustin, sinabi niyang malalaman natin kung GAANO KABUTI at KABANAL ang tao hindi dahil sa kanyang taimtim na pananampalataya… hindi dahil sa kanyang mga pangarap sa mga bagay na spiritual, NGUNIT SA PARAAN NG KANYANG PAGMAMAHAL. Ayon kay San Agustin, ang lalim at bigat ng kabutihan at kabanalan ng isang tao ay masusukat sa KAAYUSAN (ORDERLINESS) at PAGPAPAHALAGA (PRIORITIES) sa kangyang pagmamahal.
_________
Ayon kay San Agustin, ang unang kinakailangan ng tao ay: Mahalin ang Diyos higit sa lahat—subalit hindi ito nangangahulugan na hindi na natin dapat mahalin ang iba pang mga nilikha.
Sabi pa nga ni San Agustin sa kanyang mga kaibigan: “Huwag kayong tumigil na umibig. Ang nais ko ay MAIWASTO AT MAITUWID ANG IYONG PAGMAMAHAL—unahin ninyong mahalin ang Diyos at mga bagay na MAKALANGIT at hindi ang mga bagay na MAKAMUNDO. Unang mahalin ang mga bagay na di NAGWAWAKAS bago ang mga bagay na NAWAWASAK.
__________
Ang dahilan kung bakit niya sinabi ito ay dahil sa kanyang paniniwala na ang isang mabuti at banal na buhay ay hindi nakakamit kung ini-iwasan nating mahalin ang mga karapat-dapat nating mahalin—una ang Diyos, pangalawa ang kapwa at ang mga bagay na nilikha ng Diyos.
Ang mahalin ang mga bagay na nilikha ng Diyos ay nangangahulugang dapat nating tingnang sila na mga bagay na mabuti sapagkat sila ay nilikha rin ng Diyos. Ngunit dapat nating tandaan na ang pag-ibig sa mga bagay na nilikha ay hindi dapat hihigit pa sa pag-ibig natin sa Diyos at kapwa. Hindi tayo dapat magpapa-apekto sa mga bagay na makalupa. Hindi dapat gawing dahilan ang mga makalupang bagay sa ating pagiging buháy.
_________
Ang isang mabuti at banal na buhay ay hindi nakakamit kung ini-iwasan nating mahalin ang mga KARAPAT-DAPAT nating mahalin—UNA ANG DIYOS, PANGALAWA ay ang KAPWA at ang mga bagay na nilikha ng Diyos. Ayon kay San Agustin, HINDI DAPAT GAWING DAHILAN ANG MGA MAKAMUNDONG BAGAY sa ating PAGIGING BUHÁY.
Sinasabi rin ni San Agustin: “LOVE GOD AND DO WHAT YOU WILL.” Na nangangahulugan na ang taong tunay na nagmamahal sa Diyos ay hindi gagawa ng mga bagay na di naa-ayon sa kagustuhan ng Diyos. Mang yayari lamang ang kabutihan kapag ang pinang-gagalingan ng bawat ginagawa ay pag-ibig ng Diyos.
________
Sana maisabuhay natin ang mga pangaral na ito ni San Agustin upang maging makahulugan ang ating pagdiriwang ng kanyang kapistahan.
__________