Cardinal Tagle on Carmel feast, installation of new basilica rector
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle at the Feast Day of Our Lady of Mt. Carmel
Installation of the new Rector of Minor Basilica of San Sebastian,
Rev. Fr. Edgar P. Tubio, OAR
July 16, 2018
My dear brothers and sisters in Christ we give thanks to God who has gather us as one family, as one community of faith in this Eucharistic celebration.
We thank God also for giving us a mother, our blessed mother who under the title of Our Lady of Mt. Carmel we venerate today.
Our gathering is made more special because we just witness the installation of our new parish priest si Fr. Edgar. And we also thank si Fr. Joy our former parish priest for his service to the community.
And we wish him well on his new assignment. We also thank the Augustinian recollects for brining to the Philippines 400 years ago the first image of Our Lady of Mt. Carmel.
So maraming-maraming salamat po sa inyo. Carmel a place that is revered in Scriptures. Isang lugar nang pakikipagtapo sa Diyos, isang lugar nang malalim na karanasan sa Diyos. At doon sa bundok ng Carmel, doon din ipinakilala ng propeta Elias ang tunay na Diyos.
Sa pangalan pa lang Camel, Carmel dapat nanggigilalas na ang mga huwad na diyos. At sabi nga sa ating pambungad na panalangin, ang tunay na bundok ay si Hesus. Siya ang ating inaakyat dahil siya ang tagapagpakilala ng tunay na Diyos.
At kay Hesus magkakaroon tayo ng malalim na pakikipag-ugnayan sa Ama. Siya ang daan, siya ang luklukan ng prisensya ng Diyos, kaya sa kanya rin natin makikilala and tunay na Diyos.
Our readings for today which are the regular readings for this day give us some indications on how we as Disciples of Christ who’d always go up to Carmel, encounter the true God, commit ourselves to the true God and be missionaries bearing in our own bodies like the blessed mother the God the true God that people and the world need to see.
As Disciples of Christ we are supposed to be also the pointers, the signs to the true God. Lalo na sa panahon natin ngayon, andaming kakumpitensya ang Diyos. At kung minsan yung mga huwad, fake na diyos sila pa ang mas attractive at mas nakakakuha ng tagasunod.
And tunay na Diyos kalimitan tinatalikuran, nilalayuan. Sa isang kumpil pinaliwanag ko sa mga kukumpilan na sa pagtanggap nilang muli ng Espiritu Santo hari nawa makilala nila lalo si Hesus at ang Diyos Ama. At maging maligaya na piliin si Hesus. Binigyan ko sila ng test sabi ko “pagkatapos ng kumpil ano ang pipiliin ninyo? Paglalakwatsa o pag-aaral?” Pag-aaral po.
Tuwang-tuwa naman ako parang dahan-dahan nilang pinipili ang daan patungo sa kabutihan. “Ano ang pipiliin ninyo, panonood ng Tv o pagdarasal?” Pagdarasal po. Umaakyant na sa Carmel. Sabi ko ano ang mas mahalaga ang misa o thirty million dollars? 30 million dollars.
Wala pera lang pala ang katumbas. Pasalamat sila tinangal na sa kumpil ang pagsampal kung hindi sangkaterba yung nasampal ko. baka na dagukan pa. Pero paano mo naman sasakatan yung mga batang iyon, kanino sila natuto na mas mahalaga ang 30 million dollars; Sa mga nakatatanda.
Tanungin ko nga kayo ano ang mas mahalaga ang misa o 100 million dollars? Tignan ninyo di natin mapangatawanan, misa. Kaya kailangan natin ng Our Lady of Mt. Carmel. Kaya kailangan nating umakyat lagi sa bundok na si Hesus. Ang mga pagbasa ay may paalaala una po ay galing sa Gospel. Sabi niya, who ever loves father or mother more than me is not worthy of me. Whoever loves son or daughter more than me is not worthy of me.”
Whoever loves 100 million dollars more than me is not worthy of me. Whoever loves career and ambition more than me is not worthy of me. Jesus is presenting a hierarchy of loves, of desires. He is not telling us not to love our mother, father, brothers or sisters but the question is do you love them more than you love me? Because if you do a time will come you will exchange them for me. And you will not take up your cross and follow me.
Ang pagsunod kay Hesus at sa tunay na Diyos maraming krus na papasanin. Samantala ang mga huwad na diyos binubura ang krus, nangangako ng mga huwad na landas kaya marami silang tagasunod. Buy Jesus promises those who have left everything for him, for his sake; eternal reward.
So hindi po tayo sinasabihan na huwag mahalin ang pamilya at ang kapwa kundi mahalin ang lahat sa liwanag ng pagmamahal natin kay Kristo. At sa liwanag ng pagmamahal kay Kristo, mamamahal natin ang lahat pati ang kaaway.
Iyan ang napakalaking krus; mahalin ang kaaway. Pero pag hindi pinasan ang krus na iyan sabi ni Kristo “You are not worthy of me.” So we love everyone in the light of our love for Christ.
Pero hindi ibig-sabihin niyan everything will be okay. When you love Christ many people will hate you; kaya nagkakaroon ng division. Kahit hindi mo awayin, aawayin ka basta panig ka kay Kristo.
Hindi na natin kailangan na mang-away, wala naman tayong purpose na mang-away pero humanda ka, aawayin ka kasi kay Kristo ka. Manindigan ka sa katotohanan, marami kang kaaway. Mga mag-asawa, mga mister sabihin ninyo sa misis ninyo mamaya na parang tumatanda ka at tumataba, kahit iyon ang totoo patay ka. Pero magsinungaling ka; bumabata ka sume-sexy ka, tuwang-tuwa iyan.
Ang nasa panig ng katotohanan aawayin. Ang nagbubulaan andaming kaibigan. Mga estudyante halimbawa may kaklase ka sabihing di ko alam ang sagot, pakopya naman. O kaya sasabihin sa iyo ito i-share ko sa iyo ang mga sagot ko. huwag kang magsasabing praise the Lord, hulog ng langit.
Kung nasapanig ka ni Hesus sasabihin mo hindi. Mas mabuti pa sa aking bumagsak ng marangal kaysa pumasa nang baluktot ang daan pero may magagalit sa iyo.
You don’t need to fight them but be ready they will fight you for the sake of Christ and the Gospel. Ano ho titigil na ba ako rito? Para bang hindi piyesta. Pero magandang paala-ala ito “do you love me more than these” the question that Jesus posed to Peter. The first reading also gives us some reminders. The Israelites had so many sacrifices, many rituals, holocausts. Yung sinusunog yung baka, sinusunog yung tupa.
Yung dugo ng tupa ay ini-isprikle at inaalay sa Diyos. Sinabi ng Diyos sa first reading “I had have enough of whole burnt rams and fat of fat limbs. In the blood of calves, lambs and goats I find no pleasure.”
Siguro kung si Isaias ay Pilipino baka iba ito. Baka sasabihin ng Diyos sawang-sawa na ako sa inyong mga lechon, sawang-sawa na ako sa taba ng Crispy pata, sawang-sawa na ako sa dinuguan. Hindi naman niya sinabing itigil pero sabi kulang iyan. Your hands are full of blood. Wash your hands clean.
Put away misdeeds before my eyes. Listen to the orphans and the widows.Hindi natutuwa ang Diyos na puro seremonyas lang sa ordinaryong buhay naman wala naman palang ginagawang matuwid.
Natutuwa ang Diyos kung ang mga ritwal ay may kasabay na askyon sa buhay. Lalo na mga kilos nang katotohanan, katarungan, pagdamay, pagmamahal. Kung wala iyon at alay lang nang alay ng mga ritwal sabi ng Panginoon sawang-sawa na ako dyan. Kaya alam natin ano ang makapagbibigay lugod at kasiyahan sa Diyos; pananalangin na mayroong kilos na naayon sa kanyang katarungan, katotohanan, at pag-ibig.
Maganda po ang mga pagbasa samantalang pinagdiriwang natin ang Birhen ng Carmel. Ang Birheng na nagpapaala-ala sa atin na kilalanin ang tunay na Diyos. Mahalin siya nang higit sa lahat. Mahalin siya nang buo mong isip, puso, at kaluluwa. At ialay sa kanya hindi lamang mga hungkab na ritwal kundi isang buhay, buhay na kaaya-aya sa Diyos.
Fr. Edgar, ewan ko kung bakit ka nagpa-install. Pero maganda, magandang paala-ala sa isang bagong parish priest. Hindi lamang mga projects, hindi lamang ang iyong mga achievements at maitatayo. Sa bandang huli akayin mo ang sambayan sa tunay na Diyos. Akayin mo sila para mahalin ang Diyos nang higit sa lahat.
Akayin mo sila upang ang kanilang pagsamba, sakramento, liturhiya ay kasabay din ng buhay na dumadamay sa mga maliliit at inaapi. Sana pagnatapos ang term mo hindi lamang; ahh iyang pader na yan si Fr. Edgar ang nakapagpapinta.
Iyang ilaw na yan si Fr. Edgar ang nakapagpalinis, hindi. Sana pagnarinig nila Fr. Edgar, nakilala namin ang tunay na Diyos. Mga minamahal na kapatid tulungan ninyo po si Fr. Edgar at gabayan din ninyo siya para hindi siya kumawala sa tunay na Diyos.
Inspire your parish priest to become a better person, Christian and priest and religious. Kasi tulad ninyo natutukso rin kami ng mga huwad na diyos. But through your witness of life hopefully Fr. will always cling to the true God. Kaya hindi lang po kayo maghihintay; Fr. alagaan mo kami, Fr. gabayan mo kami. Gabayan din po ninyo ang pari. Kaya sa inyong mga kamay hinahabilin din po namin si Fr. Edgar. Huwag nyo lang siyang patatabain; hindi niya na kailangan.
Palaguin ninyo siya sa kabanalan, sa pagigingmaka-tao, pagiging maka-kristo, at mabuting relihiyoso. At sa iyo rin mga kamay Fr. Edgar pinagkakatiwala ang napakagandang sambayanang ito. Nawa sa inyong pagtutulungan makita ng mundo may tunay ngang Diyos. Sana sa inyong masayang pagkapit sa tunay na Diyos maingit ang iba at masabing nanduon and tunay na Diyos, nakilala nila.
Arnel Pelaco